Maraming US warship, dadaong sa Pinas– DFA

IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadaong sa pantalan ng Pilipinas ang  mas malaking bilang ng mga barkong pandigma ng Estados Unidos.

Ayon sa DFA, ang mga dadaong na warships ay bahagi ng pagpapalakas ng puwersa ng Estados Unidos ng kanilang militar sa bahagi ng Asya Pasipiko.

Binigyang linaw ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, ang hakbang na ito ng US Military Forces ay saklaw ng umiiral na 1998 Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas.

Giit pa ng kalihim, higit na kailangan ngayon ng bansa ang VFA lalo’t nahaharap sa pambansang suliranin ang Pilipinas bunsod na rin ng tinatawag na “territorial dispute” sa China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply