Mariel Rodriguez: Wala raw ‘attitude’ si Rufa Mae Quinto!

MARAMING isyung naglalabasan tungkol sa kaagad na pagkawala ni Rufa Mae Quinto sa Wil Time Bigtime.

Kesyo may attitude problem daw ito, primadonna, at nagdi-demand ng sobrang laking talet fee na hindi naman daw kayang i- bigay ng Wil Production.

Tungkol nga rito ang una naming naitanong kay Mariel Rodriguez na isa sa co-host ng nasabing show nang makakuwentuhan namin recently sa Paparazzi Showbiz Exposed

Sinabi ng staff ng Wil Time Bigtime na ang naging problema ay ang schedule ni Rufa Mae.

“Ganito ang sinabi ng staff ng Wil Time Bigtime na ang naging problema is her schedule. Kasi mahirap. E, may mga naglalabasan naman na tungkol daw sa talent fee, ganyan-ganyan. Ako naman, feeling ko, if the price was right, then, uhm… okey lang ma-give up niya siguro ‘yong iba niyang mga projects. If the price is right, di ba?

“Oo. Feeling ko lang, ha? Kasi bilang artista, siyempre nando’n na rin siya sa stage ng life niya na gusto na niyang mag-ipon. Alam mo ‘yon?

“Tapos sabi naman ni Kuya Willie na welcome siyang bumalik, di ba? Iyon ang maganda. Hindi sumama ang loob sa kanya ni Kuya Willie. Binati pa nga siya sa TV.”

‘Yong sinasabing may attitude problem at umaastang primadonna si Rufa Mae?

“Ay… no! Ang bait ni Peachy. Sobra. Dumarating siya na naka-make up na. Nakabihis na. Ready na. Tapos nagha-hi siya sa lahat.”

Sa pagkawala naman sa Wil Time Big Time ng iba pa niyang co-hosts na sina Baby Bisaya at Sugar Mercado?

“Iba naman ang mga ‘yon. Iba ang storyline no’n. Ang alam ko… naku, ayan na!” tawa na naman ni Mariel. “Sa pagkakaalam ko, nag-resign sila for reasons na personal siguro nila. Ganyan.”

Hindi si Willie ang nagtanggal o nagpaalis sa kanila?

“Ah… hindi! Para sabihin na… mag-resign kayo, umalis kayo dito? Hindi.”

E… siya, ano ang rason at tumatagal siya sa show?

“Alam mo, sabi ko nga… kasi hindi ako ano, e… maganda ‘yong relationship namin ni Kuya Willie na nagwu-work kaming dalawa. Nasanay na siya sa akin sa tagal ng nagsama kami sa Wowowee. Siyempre ‘yong style niya, na-gets ko na rin.”

Highest paid daw siya sa lahat ng co-hosts ng Wil Time Big Time?

“Ha? Hala! Maniwala kayo!” natawang reaksiyon na lang niya.

Si Robin, balitang hindi pa rin daw tinatantanan ng mga humihimok sa action star na pumasok na rin sa pulitika. Kinumpirma naman ito ni Mariel.

“Ay, lagi-lagi po. Pero sa tingin ko po, hindi niya ever papasukin ang politics. Kung ako rin naman ang tatanungin, okey na sa amin ‘yong ganito. Na… ang dami niyang natutulungan. Ang dami niyang nagagawang mabuti.

“Mahirap, e. Di ba ang gulo na nga ng showbiz?

“E sa politics, grabe pa raw ro’n. Ayoko na. Huwag na.

“Pero kung kunwari man, gugustuhin niyang pumasok sa politika, susuportahan ko siya dahil naniniwala ako sa kanya. Pero alam kong hindi niya gagawin.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply