‘Market holiday’ ipagpaliban — solon

NANAWAGAN ang isang kongresista sa mga “agricultural producer” na ipagpaliban ang limang araw na “market holiday” bilang bahagi ng ultimatum sa Bureau of Customs.

Ipinaliwanag ni Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza, chairman ng House Committee on Agriculture na ang planong market holiday ay lalo lamang magpapahirap sa mga konsyumer at higit na makaaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Bagama’t may positibo aniyang kinahihinatnan ang dayalogo sa pagitan ng agricultural producers at ng BOC ay wala namang katiyakan na hindi na magsasagawa ng market holiday ang mga ito.

Ipinakiusap ni Mendoza sa Swine Development Council at sa iba pang organisasyon ng mga agricultural producer na bigyan pa ng palugit si Customs Commissioner Ruffino Biazon upang pag-aralan ang kanilang mga kahilingan.

“I think a market holiday is too drastic considering that Commissioner Biazon and Secretary (Proceso) Alcala have been responding positively to the demands of our producers.  The public must be spared,” sinabi ni Mendoza.

Pakiusap naman ni Mendoza kay Biazon ay buksan ang komunikasyon sa liderato ng industriya upang masiguro ang transparency sa operasyon ng komisyon.

Maging si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones, isa rin sa mga opisyal ng SDC ay bumatikos kay Biazon dahil sa pagtanggi nitong magkaroon ng reporma sa BOC partikular ang tungkol sa pag-iisyu ng Inward Foreign Manifest (IFM).

Giit ni Briones, na mahalaga para sa SDC na mabusisi ang IFM upang tuluyan na aniyang masugpo ang pagpupuslit ng mga pruduktong agrikultural.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply