Marquez ‘di magbibitiw sa SC

NANINDIGAN si Supreme Court Court Administrator Atty. Midas Marquez na hindi siya bababa sa pwesto.

Ayon kay Marquez, bagamat wala na sa pwesto si dating SC Chief Justice Renato Corona, mananatili pa rin siyang court administrator.

Paliwanag pa ni Marquez na hindi naman co-terminous ni Corona ang kanyang pwesto bilang court administrator dahil naitalaga siya sa nasabing posisyon bago pa maupo sa pwesto si Corona bilang Punong Mahistrado noong 2010

Sinabi pa nito na mananatili siyang Court Administrator hanggang pagsapit nya ng 65 taong gulang dahil ito ay naaayon sa batas dahil na rin sa tinatawag na security of tenure.

Dagdag pa ni Marquez, handa siyang makatrabaho si Acting SC Chief Justice Antonio Carpio o kung sino man ang mapipiling hahalili kay Corona.

Iginiit pa ni Marquez na magbibitiw lang sya sa pwesto kapag hindi na maganda ang relasyon niya sa trabaho sa hihiranging bagong Punong Mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply