Marquez, next foe ni Pacquiao

INAASAHAN ni Alex Ariza, ang  strength and conditioning trainer ni Manny Pacquiao na si Juan Manuel Marquez ang inaasahang  makasasagupa para sa fourth fight sa halip na harapin si Timothy Bradley sa rematch.

Ayon sa Boxing Scene, naniniwala si Ariza na makasasagupa ni Pacquiao si Marquez sa Nobyembre, sa halip na isulong ang rematch kontra Bradley.

Noong nakaraang taon, naligtasan ni Pacquiao ang kontrobersiyal na majority decision victory laban kay Marquez sa laban na ramdam ng marami na talo siya.

Sa nakaraang linggo lang, si Pacquiao naman ang biktima ng kontrobersiyal na desisyon nang panalunin ng tatlong judges si Tim Bradley via split decision sa welterweight clash.

Sinabi ni Pacquiao na nais niyang makasagupang muli si Bradley, pero itetengga ang rematch dahil sa nirerebisa ang laban ng Nevada State Athletic Commission, Nevada State Attorney General’s Office at World Boxing Organization.

Dismayado rin si Ariza sa ulat na marami umanong di nabentang tiket para sa Pacquiao-Bradley fight na posibleng makaapekto sa negosasyon ng potensiyal na Pacquiao-Mayweather Jr., mega-bout.

“How can you go to Mayweather Jr., and ask him for a 50-50 revenue split?” ani Ariza.

Matatandaang noong training ni Pacquiao para sa Bradley fight, nilisan niya ang kampo sa Baguio City para magtungo sa Los Angeles kay Julio Cesar Chavez Jr. na siyang ikinagalit ni coach trainer Freddie Roach.

Pero nagkabati na sila ni Roach at itinalaga pa siya ng huli bilang cornermen ni Pacquiao noong nakaraang laban kontra Bradley.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply