Marquez, sasagupa sa kamukha ni Pacquiao

NAKATAKDANG sumagupa si Mexican legend Juan Manuel Marquez sa Hulyo kontra Pinoy boxer na halos kamukha ni Manny Pacquiao.

Haharapin ng Mexican counter-punching specialist si Al Sabaupan, isa ring kaliwete na gaya ni Pacquiao.

Bukod sa estilo ng laban ni Pacquiao, ang 23-anyos na si Sabaupan ay may balbas din at  bigote.

Ayon sa Boxrec, sasagupa rin si Marquez kontra Sabaupan sa Hulyo 21 sa Mexico.

Tubong Agoncillo, Batangas, si Sabaupan ay may professional record na 19 wins (14 knockouts) at 1 loss.

Siya ang pinili ng Mexican legend para makapaghanda kontra sa ikaapat na laban kay Pacquiao.

Nakasagupa rin ni Marquez bago ang 3rd fight kay Pacquiao si Likar Ramos para sa tune-up fight.   JCHAN

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply