Martirizar ‘di pa kinokonsiderang state witness – Comelec

HINDI pa maituturing na state witness si dating North Cotabato Election Supervisor Yogi Martirizar sa kabila ng pagsailalim nito sa Witness Protection Program (WPP), ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Atty. Esmeralda Ladra ng Comelec, ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang magtatakda kung papayagang maging state witness si Martirizar at kung gaano kalakas ang kaso laban kay dating Comelec
chief Benjamin Abalos.

Mariing tinututulan ni Abalos ang pagiging testigo sa pamahalaan ni Martirizar dahil kapwa sila akusado sa kasong electoral sabotage case.

Nabatid na sina Radam at Martirizar ay kapwa nahaharap sa kasong electoral sabotage matapos ireklamo ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply