Martirizar hiniling na isalang bilang ordinary witness

HINILING ni dating Commission on Elections (Comelec) Benjamin Abalos na isalang bilang ordinary witness sa pagdinig ng usaping electoral sabotage na dinidinig sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay Abalos hindi magiging patas ang isinampang usapin laban sa kanya kung nananatiling nakalalaya si election supervisors Yogie Martirizar na nahaharap din sa kaparehong kaso habang siya (Abalos)
ay nasa loob ng Southern Police District (SDP) detention jail.

Kaugnay nito, labis na tinututulan ni Abalos na ilagay sa Witness Protection Program (WPP) si Martirizar dahil sangkot ito mismo sa sinasabing naganap na pandaraya noong 2007 elections.

Ayon kay Abalos nanindigan ang Comelec na dapat kasuhan ng electoral sabotage sina South Cotobato election Supervisor Lilian Radam at Martirizar kahit testigo ang mga ito laban sa kanya.

Sa pagdinig ng kaso, hinadlangan ni Abalos na maisalang si Martirizar at ikinatwiran nito na wala ang kanyang abogago na sina Atty. Artemio Toquero at Abraham Espejo na kapwa nasa ibang lalawigan.

Dahil dito, ang pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso laban kay Abalos ay muling itinakda Pasay City RTC  branch 117 Judge Eugenio Dela Cruz sa darating na June 20 at 22, 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply