Mas malaking oportunidad kay Pacman – Palasyo

MAY naghihintay na mas malaking oportunidad para kay People’s Champ Manny Pacquiao na natalo kay newly-crowned WBO welterweight champion Timothy Bradley.

“I believe that Cong. Manny Pacquiao has been given opportunity to reach even greater heights,” ang mensahe ni Pangulong Aquino na binasa ni Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na ang naging pahayag ng Pangulo ay isang positive encouragement para kay Pacman na sa kauna-unahang pagkakataon simula ng taong 2005 ay natalo at matapos ang walong world title.

Ang usapin ukol sa rematch sa pagitan ng dalawang boksingero ay pinaplantsa na at inaasahang magaganap sa Nobyembre.

Dito ayon sa ulat ay makikita ang bagong Pacman.

Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na hindi dapat magdamdam ang mga Pilipino sa pagtakatalo ni Manny Pacquiao kay Bradley.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, babawi naman si Pacquiao tulad ng mga una nitong pagkatalo.

Ayon kay Valte, nananatiling si Pacquiao ang kampeon at inspirasyon sa pagpupursige ng mga Pilipino.

Kasabay nito, nananawagan ang Palasyo sa sambayanan na ipagdasal ang agarang pagbabalik ng Pinoy ring icon para muling bumangon sa pagkakabagsak.

Tiniyak din ni Valte na sa susunod na laban, makakaasa si Pacquiao na kakampi at nasa likod nito ang sambayanan para samahan sa kanyang pgpupursige.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply