Mataas na presyo ng bigas hanggang Oktubre pa

IPINAHAYAG ng National Food Authority (NFA) na tatagal pa hanggang Oktubre ang mataas na presyuhan ng bigas.

Paliwanag ng NFA, ito ay dahil sa Oktubre pa magsisimula ang ani ng mga magsasaka.

Ipinabatid ng NFA na nasa P1.00 hanggang P3.00 lamang ang normal na pagtaas ng presyo ng bigas.

Kasabay nito, tiniyak ng NFA na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Nalilito ang taumbayan dahil hindi nagkakatugma ang sinasabi ng Department of Agriculture at NFA ukol sa pag-angkat ng bigas.

Ayon sa NFA, tinatayang 120,000 tonelada ng bigas ang bibilhin ng Pilipinas sa Thailand at Vietnam ngayong 2012. Darating ang mga bigas sa Hulyo. Bukod sa Thailand at Vietnam, posible raw umangkat din ng bigas sa Cambodia.

Mag-uusap pa umano ang NFA at Cambodia para maisara ang usapan at maging supplier na ng bigas ang nasabing bansa. Ang pahayag ng NFA sa pag-aangkat ng bigas ay nagbibigay ng kalituhan sapagkat hindi pa natatagalan nang ihayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na sa susunod na taon ay hindi na aangkat at bababa ang presyo ng biga sa Pilipinas.

Samantala, dahil bahagyang tumaas ang presyo ng krudo, posibleng hindi na maging kasing laki ng mga nakalipas na rollback ang mga susunod na bawas-presyo sa gasolina.

Ayon kay Energy Director Zenaida Monsada, bahagyang tumaas ang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Ani Monzada, ang bahagyang pagmahal ng presyo ng langis sa world market ay posibleng dulot ng unti-unti ding pagbuti ng ekonomiya sa Amerika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply