Matapos ang 2 oras, Abalos balik selda na

BALIK selda na muli si dating Commission on Election (Comele) Chairman Benjamin Abalos, Sr., makaraang pahintulutan ng hukuman na makauwi sa kanilang bahay sa loob lamang ng dalawang oras sa Mandaluyong city.

Mahigit sa 2,000 mga taga suporta ang sumalubong kay Abalos nang dumating sa kanilang bahay sa 19 Kanlaon St., Barangay Highway Hills pasado alas-11 ng tanghali, kasama ang may 25 escort na pulis mula sa Southern Police District (SPD) habang may 100 pulis naman mula sa Mandaluyong police sa pangunguna ni Sr. Supt., Armando Bulalin ang umasikaso sa seguridad sa paligid.

Hindi naman magkamayaw sa galak ang mga mamamayan ng Mandaluyong at mga supporters ng dating chairman nang muli nilang masilayan ang pagdating ng ama ng kanilang alkaldeng si Mayor Ben Hur Abalos matapos ang mahigit anim na buwan mula nang mapiit sa detention cell ng SPD dahil sa kasong electoral sabotage na isinampa ng pinagsanib na puwersa ng Comelec at Department of Justict (DOJ).

Bagama’t dalawang oras lamang ang ipinagkaloob na pansamantalang kalayaan ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Jesus Mupas ng Branch 112, nagpahayag na rin ng kasiyahan si Abalos dahil nakapiling niyang muli ang kanyang asawa, mga anak, apo at manugang sa loob mismo ng sarili nilang tirahan.

Sa dami naman ng mga nagnanais na masilayang muli ang dating Comelec chairman, nawalan na ng pribadong oras si Abalos na makapiling ang pamilya hanggang sunduin na siya ng kanyang mga escort dakong ala-1:20 ng hapon upang ibalik na muli sa kanyang detention cell sa SPD.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply