Matapos sumailalim sa dialysis, Dolphy bumubuti ang kondisyon

KINUMPIRMA ng isa sa mga anak ni Comedy King Dolphy na unti-unti nang bumubuti mula sa kritikal nitong kondisyon ang kanyang ama makaraang sumailalim ito sa dialysis kung saan ay nananatili pa rin ito nasa intensive care unit (ICU) ng Makati Medical Center (MMC).

Ayon kay Eric Quizon, bumuti ang vital signs ng kanyang ama makaraang matanggal ang tubig sa baga sa isinagawang dialysis dito.

“From last night up to now, his vitals are okay. Nagkaroon ng tubig sa lungs, for people with Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), kapag may tubig sa lungs kumbaga parang nalulunod ‘yung pasyente. With the dialysis, natatanggal ‘yung excess na tubig,” paliwanag ni Eric.

Dagdag pa ni Eric, noong nagdaan araw ay parang nanginginig ang kanyang ama ngunit nang isailalim sa dialysis ay nawala ang pangingingig ng kanyang ama.

Sa ngayon, kontrolado na rin umano ang hemorrhage sa bahagi ng stomach lining ni Dolphy at patuloy pa rin sinusuri ng kanyang.mga doctor.

Samantala, kahapon ay nagbigay din ng maikling pahayag ang isa pang anak ni Dolphy na si Epi Quizon na nakita niyang pinilit ng kanyang ama na buksan ang mga mata .

“Maliit lamang ang bukas ng kanyang mata tapos alam mong nakatingin sa iyo, unlike the past few days, tapos nang pumasok si Vandolph tumingin siya sa direksiyon ni Vandolph, dun nagpalakpakan kami ,umiyak yun ibang kapatid ko, pero yun kahapon po talaga nabuhayan kami,” kwento ni Epi sa mga mamamahayag.

Sinabi pa ni Eric na sa nakalipas na magdamag kahapon ay wala naman naging problema sa kondisyon ng kanyang ama at nakikita nilang bumubuti ito simula nang sumailalim sa dialysis.

Umaasa pa rin ang magkakapatid na sa susunod na pagdilat ng kanilang ama ay makakapagsalita na rin ito at tuluyan na siyang gumaling.

Kasalukuyang patuloy pa rin ang pagmomonitor ng mga doktor hinggil sa lagay ng Comedy King habang nagpapalitan pa rin sa pagbabantay ang magkakapatid.

Ayon pa kay Eric, sa ngayon ay tanging ang kanilang pamilya lamang ang puwedeng pumasok sa loob ng ICU upang hindi dapuan ng anumang impeksiyon ang kanyang ama at hindi pinapayagan pumasok ang mga bumibisita dahil sa mahina pa ang immune system ng Comedy King.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply