Matataas na opisyaL ng Negros sangkot sa iligal (2)

SINASABING ang kinikita raw sa droga ay dinadala ng buo sa opisyal ng Negros kaya  nakapagpagawa ito ng na-pakalaking bahay at isang magarang beach resort sa  bayan ng Siaton at nakabili rin ng dalawang bagum-bagong Fortuner.

Bukod sa droga, ang nasabing grupo rin ang nasa likod ng illegal  gambling  na kung tawagin ay “SUERTRES” kung saan ang grupo ay mayroon namang tatlong  bigtime na mga financier na kinilalang sina alyas Rommel, Benny at Swarzenegger, kasalukuyang miyembro ng League of Barangay Chairmen of Negros Oriental at miyembro  rin  ng  Provincial Council. Isang Police Colonel naman umano ang protektor ng iligal na pasugalan ng mga nabanggit na financier.

Sina Alyas Rommel at alyas Benny ay matagal nang mga financier ng iligal na “suertres” samantalang si Swarzenegger umano ay nagtatatag ng private army na  nagdadala ng matataas na kalibre ng baril.

Magmula  pa noong 2011 ay ipinarating na ng Movement  for violence Free Negros Oriental (MFVNO) ang mga iligal na gawain ng nasabing grupo sa Office of the President, DILG, DOJ, PNP aT NAPOLCOM  ngunit ilan lang sa mga nabanggit na tanggapan ang  umaksyon.

Umaasa ang ordinaryong mamamayan sa tulong at pangangalaga ng mga opisyal na kanilang inuluklok sa puwesto kaya naman naniniwala ang mga ito sa anomang salita na bibitiwan ng taong kanilang ibinoto.

Bunga nito, marami sa ating mga kababayan, lalo na ang mga kapos sa pinag-aralan, ay hindi batid kung sila ay ibinebenta na ng mga ta-ong kanilang pinagkatiwalaan hindi lang ng kanilang boto kundi maging ang kanilang kinabukasan.

Kaya nga dapat ay suklian

ito ng kabutihan at katapatan ng mga politikong walang inisip kung hindi ang sarili nilang ka-pakanan at kung paano aa-senso habang nasa puwesto.

Malapit na naman ang halalan, sana lang ay huwag magpadala sa mga pangako at pera ang tao dahil sa bandang huli ay  tayo rin ang magsisisi katulad ng nangyayari ngayon sa atin.

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang sa 09155683000 at  09087230036  o mag-email sa lpr_2012@yahoo.com…

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply