Matataas na opisyaL ng negros sangkot sa iligal

SANGKOT umano sa iba’t ibang iligal na gawain ang isang mataas na opisyal ng Negros Oriental sa pakikipagsabwatan umano ng mga tiwaling opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Sa impormasyong naka-rating sa Lily’s Files ay sinasabing hindi lang pala iligal na pasugalan ang talamak diyan sa Dumaguete City kundi maging ang bentahan ng baril at ang animo’y bentahan ng droga na parang pandesal.

Sinasabi rin ng ating im-pormante na isang mataas na opisyal ng Negros ang nasa likod ng mga illegal  activity na ito na binibigyan naman ng protection ng mataas na opisyal ng pulisya sa nasabing rehiyon.

Napag-alaman na parang pandesal lang kung ibenta umano ng mga tauhan ng PNP-SOG na pinamumunuan ng isang dating NBI agent at umano’y pamangkin ng nasabing mataas na opisyal ng rehiyon.

Ang mga nasabing droga umano na nanggagaling pa ng Dumaguete City ay dinadala ng nabanggit na grupo sa mga Barangay ng Looc, Luke, Wrig, Tinago, Cadawinonan, Cadayong, Piapi at Taclobo. Ang ilan pang lugar na pinagdadalhan umano ng droga ng nasabi ring grupo ay ang Sibulan, Bayawan City, Bais City at  mga bayan ng Bacong, Dawin, Manjuyod, Ayungan, Pamplona, Tanjay at Siaton.

Ang mga nabanggit na lugar ay nasa ilalim umano ng operation ng grupo ng  isang mataas na opisyal ng Negros at binibigyan ng protection ng isang Police Inspector na sinasabing may “blessing” naman mula sa isang police colonel.

Napakarami umanong droga sa mga nabanggit na lugar kung kaya maikukumpara ito sa pandesal na  napakaraming supply ngunit hinto ito alintana ng mga bumibili ng droga dahil na rin sa mismong mga pulis ang  nagpapakalat nito.

Sinasabing  ang  kinikita umano sa droga ay dinadala ng buo sa opisyal ng Negros kung kaya nakapagpagawa ito ng napakalaking bahay at isang magarang beach resort sa bayan ng Siaton at nakabili rin ng  dalawang bagum-bagong Fortuner.

Bukod sa droga ang nasabing grupo rin ang nasa likod umano ng illegal gambling na kung tawagin ay “SUERTRES.” Itutuloy

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply