Matataas na uri ng armas nasamsam sa Maguindanao

NASAMSAM ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang mga matatas na uri ng armas at bala sa isinagawang pagsalakay sa isang safehouse sa Brgy Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa report na ibinahagi ng PNP–PIO, bandang alas-6:10 kagabi nang kumpiskahin ang mga armas at mga bala sa Barangay Semba na hinihinalang ibebenta sa pulitiko at private armed groups.

Kasabay nito ang pagkadakip ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa isang Saharah Abas na posibleng may-ari ng mga armas at bala mula sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM) Regional Director Leo Quevedo, tumanggap sila ng impormasyon sa umano’y ibebentang armas at bala sa lalawigan ng Maguindanao.

Dahil dito, agad silang nagsagawa ng operasyon at nakumpiska ang dalawang 60 caliber machine gun, tatlong sniper barret rifles, mga granada, tatlong M16 armalite rifles, tatlong kalibre .45 na pistola, rocket propelled grenade (RPG) at iba pang matataas na uri ng armas at bala.

Dagdag pa ni Quevedo, ibebenta umano ang mga ito sa mga kilalang angkan sa Maguindanao na posibleng gamitin sa nalalapit na 2013 elections batay na rin sa ilang pahayag ng mga armadong kalalakihan na kasamang nadakip na hindi muna pinangalanan kaugnay sa follow up operation na ikinakasa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply