Davao City nilindol ng magnitude 5.9

NIYANIG ng magnitude 5.9 na lindol ang Davao City.

Ayon sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang lindol dakong 9:14 ng umaga.

Tectonic in origin ang nasabing lindol na naitala ang sentro sa layong 153 kilometro sa Timog-silangan ng Mati, Davao Oriental na may lalim na 86 na kilometro.

Naramdaman ang intensity 4 na lakas ng pagyanig sa General Santos City, intensity 3 sa Davao City, Mati at Digos City, Davao del Sur; at intensity 2 sa Tagum City at Carmen, Davao del Norte

Inaalam pa ngayong kung may napinsala o nasaktan sa naturang pagyanig.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply