Matrona ginagamit ng aktor sa pulitika

MATINDI ang diskarte sa tsiks nitong aktor na hindi na kabataan. Imagine, kahit malaki na ang tiyan nito’t kulubotsina na rin ang balat pero nakakukuha pa ng matrona na gagastos sa kanyang mga pangangailangan.

Kawawa ang girlitang ito dahil ang kadatungan niya ang ginagastos ng aktor sa pulitika. Sa pamasahe at tsibog pa lang daw sa pagpunta-punta sa probinsya ng damuho ay malaki na ang nagagastos ng babae, how much more kung sa araw na raw mismo ng eleksyon?

Ang pinagtataka lang namin, may kasama sa buhay ang aktor. Pa’nong nadi-display nito sa publiko ang kanyang kabitsinang gurangis na rin?

Kaloka talaga ang showbiz mga tsupatid, noh? Hahaha!

***

Politician dismayado sa misis na TV-host

ITO namang politician na galing sa angkan ng mga sikat na tao sa Pilipinas ay medyo napo-frustrate sa misis nitong TV host. Buong akala raw nito ay mabubuntis agad niya si misis pagkatapos nang kanilang kasal, ngunit matagal na silang nakaluhod sa altar wala pa ring sign na buntis ang host.

Oo nga’t lumalaki raw ang tiyan nito pero hindi ito buntis, bilbil daw ‘yon. Hahaha!

Anyway, sabi ng kanilang isang kaibigan, pa’no raw mabubuntis ang host gayong bihira silang magtagpo sa bahay. Pareho silang busy-ng mag-asawa. Kung magkita man sila, wala rin daw silbi dahil pareho na silang pagod.

Ang gusto ni mister ay magkaroon na sila ng ‘produkto’ ng kanyang asawa dahil malapit nang humina ang kanyang mga tuhod. At si misis naman ay patungo na rin sa paglalayag, o menopause stage.

***

Mig Ayesa at Tom Cruise nagtapatan sa ‘Rock of Ages’

MAGKASABAY na nag-open sa Metro Manila ang Rock of Ages na ang isa ay pelikula at ang isa nama’y stage play. Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Tom Cruise habang sa play ay si Mig Ayesa naman kasama ang mga Filipino singer.

Ano kaya ang masasabi rito ni Mig?

Pinagmamalaki pa naman nito na nung nagtatanghal siya sa US ay dinalaw pa siya ni Cruise at nakipag-picture-taking sa kanya ang aktor, iyon pala’y pinag-aralan lang ng huli ang mga galaw niya at ang diskarte sa entablado kung paanong maging isang tunay na rakista dahil gagawin pala nito ang movie version ng nabanggit na sikat na play.

Well, pareho namang matindi ang rakrakan sa Rock of Ages na kasalukuyang ginaganap sa Carlos P. Romulo Theater, RCBC, Makati na nag-start last June 15 at magtatapos sa July 8 na mapanonood every Friday at 8 p.m., Saturdays at 2 p.m. and 8 p.m., and Sundays at 3 p.m. and 8 p.m.

Kabilang sa mga sikat na kantang maririnig sa pagtatanghal nina Mig, Aiza Seguerra, Vina Morales, Nyoy Volante at marami pang iba ay mga sumusunod: “Don’t Stop Believin’,” “Wanted Dead or Alive,” at “Can’t Fight This Feeling.”

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply