May-ari ng ice plant sa QC pinagpapaliwanag ng barangay

PINAGPAPALIWANAG ng mga opisyal ng barangay ang may-ari ng ice plant na naging dahilan para maospital ang isa katao habang siyam na iba pa ang ang nahirapang huminga sa Barangay Sta Cruz, Quezon City nitong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Joel Ofilah secretary ng Barangay Sta Cruz,QC pinapagpapaliwanag nila ang may-ari ng naturang planta sa naganap na pagtagas ng ammonia sa planta ng yelo.

Nabatid sa ulat na aabot sa 500 residente ang naapektuhan ng tumagas na ammonia sa isang planta ng yelo bunga ng naturang aksidente.

Isinugod sa Quezon City General Hospital ang batang si Geraldine Horteza,9 na taong gulang,ng Bgry.Sta Cruz, QC.

Habang pansamantala naman nilapatan ng lunas sa barangay ang may siyam pang mga kabataan dahil sa pagkakalanghap ng mabahong amoy.

abatid sa ulat dakong 10:00 ng umaga ng mapansin ng mga empleyado ng planta  ang maliit na tagas ng ammonia sa valve ng tubo nito kung kaya kinumpuni nila ito gamit ang packing tape. mula sa tumagas na ammonia sa planta ng yelo sa General Lim St. malapit sa Roosevelt Avenue,Brgy.Sta.Cruz,QC nitong nakalipas na linggo.

Pero habang inaayos nila ay bigla umanong sumabog ang ‘valve’ na may lamang ammonia at tumilapon pataas.

Ilang mga halaman na rin sa paligid ng  planta ang nalalanta bunga ng leak ng ammonia sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply