May sakit na OFW sa Jeddah, tinulungan ng embahada

MABILIS na umaksyon ang mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia sa isang may sakit na overseas Filipino worker (OFW) upang maipagamot ito sa ospital.

Ang maagap na pagresponde ng mga tauhan ng medical response team ng konsulado ang sumagip sa buhay ni Danilo Tayao matapos na magreklamo ito na dumadanas ng matinding pananakit sa tiyan noon gabi ng Mayo 24.

Agad na dinala sa King Fahad Hospital ang 64 anyos na OFW at batay sa pagsusuri ng mga duktor ay may sakit itong chronic liver na may kasamang pancreatic cancer.

Kasalukuyan din nasa nasabing ospital ang OFW upang magpagamot habang inaasikaso na ng konsulado ang papeles upang makabalik ito sa Pilipinas. Nakipag-ugnayan na rin ang mga opisyal sa pamilya ni Tayao sa Maynila.

Ayon naman kay Foreign Affairs Assistant Secretary at Spokesman Raul Hernandez, itinatag ng embahada sa Jeddah ang medical response team (MRT) upang umayuda sa mga Pilipinong may pangangailangan kahit na sa dis-oras ng gabi.

“Agad silang (MRT) tumutugon sa tawag ng mga kababayan sa Jeddah, anumang oras at araw at sanay sila sa mga tinatawag na standard operating procedures sa pangangailangan ng mga OFW,” dagdag pa ni Hernandez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply