Maynila lulubog sa baha sa reclamation ng Manila Bay

POSIBLENG lumubog sa baha ang Lungsod ng Maynila kapag natuloy ang reclamation ng Manila Bay, ayon kay dating Manila Mayor Lito Atienza .

Sinabi ni Atienza, dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resoruces, sa isang  press conference, na nagbalangkas ang Lungsod ng Maynila ng City Ordinance 8233 na, aniya, ay  walang naganap na konsultasyon sa mga stakeholder gaya ng mga residente at mga ahensiya ng gobyerno na matatapakan ng ordinansa.

Noong isang taon pa, aniya, binuo ng konseho ng lungsod ang nabanggit na ordinansa at hindi iyon ipinabatid sa publiko o mamamayan ng Maynila.

Batay sa naturang ordinansa, binibigyang-kapangyarihan si Mayor Alfredo Lim na maghain ng aplikasyon sa Philippine Reclamation Authority upang gamitin o tambakan ng lupa ang bahagi ng Manila Bay.

Ayon pa sa dating alkalde, mayroon na ring nakahandang contractor ang adminsitrasyon ni Mayor Lim para sa nabanggit na illegal reclamation.

Sinabi ni Atienza na labag sa batas ang kautusan lalo pa at ipinag-utos ng Korte Suprema sa lahat ng ahensya ng gobyerno na linisin ang baybaying-dagat ng Maynila upang maibalik ang dating ganda o glory ng Manila Bay na hinahangaan sa buong mundo.

“The challenge for us today is how to revive and restore  the good condition of the waters of the bay but not to kill it. This was even ordered by the Supreme Court in a continuing mandamus. ..it dictates the cleaning of Manila Bay and not to cover it up”, sabi ng dating Environment chief.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply