Maynila, Pasay pinakaraming nahakot na basura — MMDA

ANG lungsod ng Maynila at Pasay ang may pinakamaraming basurang nahakot sa pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.

Sinabi ni MMDA Flood Control Division Director Engr. Baltazar Melgar, na pinakamaraming nahakot na mga basura sa dalawang lungsod lalo na sa mga lugar na may maraming nakatirang “informal settlers” o mga iskuwater.

Sa kasalukuyan, may 51 pumping station ang MMDA sa mga bahaing lugar sa Metro Manila habang may panukala na maglagay ng isa pa sa Barangay Salapan sa Balong Bato, San Juan City

Popondohan naman ng mga dayuhan ang ilang proyekto na nakatakdang ilunsad sa Valenzuela City at sa katabing bayan ng Obando, Bulacan.

Samantala, sinabi naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na walong malalaking aksidente ang kanilang naitala sa kasagsagan ng pag-ulan nitong nakaraang Lunes kung saan 60% ay dahil sa sama ng panahon.

Kabilang naman sa mga problemang napansin ng ahensya ay ang mga biglang nasisirang mga “traffic lights” kapag nababasa ng ulan na plano ngayon na pagtuunan ng pansin upang maisaayos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply