Mayweather vs Cotto II ikinasa sa December

MALABO ng mangyari ngayon taon ang multi-million dollar fight nina 8-division world champion Manny Pacquiao at undefeated Floyd Mayweather Jr.

Ito’y matapos ihayag na kasado na ang rematch nina Mayweather at dating three-division world champion Miguel Cotto sa buwan ng Disyembre.

Ayon sa ulat, gagawin ang Floyd Jr vs Cotto sa Madison Square Garden (MSG) sa New York.

Una rito, tinanggihan na ni Cotto ang September 15 comeback fight nito kay Saul “Canelo” Alvarez.

Si Mayweather ay kasalukuyang pinagsisilbihan ang tatlong buwang pagkakakulong dahil sa kasong pananakit sa dating kinakasama.

Kung maalala, natalo sa pamamagitan ng unanimous decision si Cotto, sa kanilang May 5 bout ni Floyd Jr. sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply