M’canang kay Pacquiao: ‘Best of luck’

“WE WISH Congressman Pacquiao the best of luck.”

Ito ang mensahe ng Malakanyang kay WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa nakatakdang laban kay light welterweight champion Timothy Bradley sa Hunyo 10, sa Las Vegas, Nevada.

“The nation will be watching intently. We will watch his fight against Timothy Bradley and again we know that the Pambansang Kamao will prevail,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Wala namang ideya si Valte kung manonood si Pangulong Aquino ng laban ni Pacman ng ‘live’.

“I am not aware of any arrangements for the President to see Congressman Pacquiao before the fight and I would also assume that Congressman Pacquiao will be preparing himself for the fight,” aniya pa rin.

At gaya ni Pangulong Aquino, napa-ulat na malabo ring makapanood ng live si WBA super welterweight champion Floyd Mayweather Jr. ng bakbakang Pacquiao-Bradley.

Ayon kay Bill Cassell, tagapagsalita ng Las Vegas Metropolitan Police Department na nangangasiwa sa Clark County Detention Center sa Las Vegas kung saan nakakulong si Mayweather, maliban sa walang telebisyon sa selda ng boksingero, ay makakapanood lamang siya ng programang pinapanood ng kanyang mga kapwa bilanggo.

Dagdag pa ng nasabing opisyal, wala rin silang balak na kumuha ng pay-per-view sa loob ng bilangguan pero kung sakaling may replay umano ay saka lamang nila mapapanood ang Pacquiao-Bradley fight.

Si Mayweather ay nakulong ng tatlong buwan dahil sa kasong domestic violence na isinampa ng dating kinakasama.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply