M’cañang: LTFRB magdedesisyon sa rollback ng pasahe

WALA pang ginagawang hakbang ang Malakanyang para pababaan ang pasahe sa mga pampublikong transportasyon.

Bagama’t ikinatuwa ng Malakanyang ang serye ng rollback sa presyo ng gasolina sa nakalipas na linggo ay malinaw na ang nangyaring rollback sa presyo ng langis ay pagpapakita lamang ng pagbaba ng presyo sa merkado.

“Mukhang nakikita natin ang downtrend sa pagbaba ng presyo per barrel, nagre-reflect naman sa susunod na rollback,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Subalit, sinabi ni Usec. Valte na bahala na ang Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) na magdesisyon kung dapat na ngang ibaba ang pasahe sa mga pampublikong transportasyon o hindi.
Napaulat na may ilang grupo ang nagtutulak na i-rollback ang pasahe sa taxi, ibaba ang flagdown rate mula sa kasalukuyang P40 at gawing P30.

Nito lamang nakaraang buwan ay kumbinsido ang mga awtoridad na sapat na ang ilang rollbacksa sa presyo ng gasolina  dahilan upang ang dating P8.50 na pasahe ay naging P8 na lamang.

“As far as the rollback in the flag-down rates are concerned, we leave it to the LTFRB to study the appropriate petitions,” ayon kay Usec. Valte.

Kahapon ay may ilang kompanya ng langis ang nag-rollback ng presyo ng kanilang produktong petrolyo bunsod na rin ng pagbaba sa international fuel prices.

Kabilang na rito ang Petron, Shell at Flying V,  kung saan ang rollback ay naging epektibo ng alas-12:01 ng madaling araw kahapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply