M’canang sa mga testigo: Alok na seguridad tanggapin

UMAPELA ang Malakanyang sa mga testigo ng Maguindanao massacre na tanggapin na ang alok na seguridad ng pamahalaan upang manatiling buhay hanggang ngayon.

Kumbinsido si  Presidential spokesman Edwin Lacierda na kung tinanggap  lamang ng 36 taong gulang na si Menjie Nangulamas Ubhon ng Poblacion Mother , Shariff Aguak, Maguindanao ang seguridad na ibinigay ng pamahalaan ay hindi ito mababaril ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ng malapitan sa isang pamilihan sa nasabing lugar.

“Those who are protected have been provided security—those who have been provided are still alive. And that’s why we are urging those who have refused to accept security to accept our offer of security again,” ayon kay Sec.Lacierda.

Wala naman silang  eksaktong listahan ng mga testigo ang tumanggap ng security mula sa pamahalaan.

“We don’t have the exact list but yes may mga witnesses po na tumanggap po ng security, may mga iba po, we understand from Secretary Robredo, na <may> nag-turn down. I don’t know the exact list but that’s according to Secretary Robredo,” anito.

Kaya nga, walang dahilan para sisihin ang gobyernong Aquino sa pagkamatay ng ilang pangunahing testigo sa naturang kaso.

“I don’t think you can blame government, we have offered <security>. It‘s unfortunate that it happened and I certainly condole with the family of the murdered victim. The government offered security to these people. And in fact, ‘yon po ang hiningi nila eh in that particular meeting. Ito po ay one of the most urgent requests nila kay Pangulong Aquino. And right then and there inutusan ni Pangulo Aquino si Jesse Robredo na bigyan po ng protection. In fact, kinausap nga ng Presidente ‘yung mismong chief of police at prinovide [provide]. But kung ikaw ayaw mong tumanggap ng security, at paikot-ikot ka, hindi namin mamo-monitor ang iyong movements eh. So it’s unfortunate that it happened and that’s why we’re urging all the witnesses of the Maguindanao massacre to accept the security offer from the government. And we would like to reiterate that offer to the witnesses. Knowing that there is an attempt on your life, please, we would ask you again to accept our offer of security,” ang pahayag ni Lacierda.

Kahapon, muling ipinagpatuloy ng Quezon City Regional Trial Court ang pagdinig sa testimoniya ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu, kaugnay sa kontrobersiyal na Maguindanao massacre case.

Maalala na ang misis at kapatid ni Mangudadatu ay kabilang sa 58 katao na minasaker noong 2009 sa bayan ng Ampatuan.

Tatlumpo’t isang mamamahayag din ang nasawi sa pangyayari.

Una rito, personal na kinilala ni Mangudadatu sa open court si dating deputy provincial police chief na si C/Insp. Sukarno Dicay, na kabilang sa mga 196 na akusado sa kremin.

Sa naturang tagpo, nagawa pa umano ni Dicay na ngumiti habang itinuturo ito ng gobernador.

Dumalo rin sa naturang pagdinig ang iba pang pangunahing akusado na sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at anak nitong si dating Mayor Andal, Jr.

Samantala, nagpahayag na ng labis na pangamba ang panig ng prosecution sa dumaraming bilang ng kanilang mga testigo na napapatay.

Pinakahuli umano rito ang kaso ni Alijol Ampatuan na binaril sa bayan ng Shrafii Aguak noong buwan pa ng Pebrero.

Nauna ng inatasan ng Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Justice (DoJ) na guwawa ng hakbang para mabawasan ang peligro sa mga testigo ng Maguindanao massacre case.

BAHALA na aniya ang Korte Suprema na suriin kung may iregularidad o wala sa mabagal na paglilitis sa kaso ng Maguindanao massacre.

Idinahilan ni Sec. Lacierda ang hiwalay na kapangyarihan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan sa hudikaturang sangay ng gobyerno.

“In fact, we’re asking the Supreme Court right now under acting Chief Justice Tony Carpio if they can find a way to hasten the case, the Ampatuan massacre case without sacrificing due process. It’s something that we’ve been saying in this podium; it’s something that we’ve been advocating. Let’s have a speedy trial in the Ampatuan massacre case because that is a block in our Philippine judicial system.  That’s why we’ve been saying time and time again nais po naming matapos na po itong kaso, bilisan po ang pace po ng kasong ito. But our hands are tied. Nasa korte na po ‘yan. We cannot encroached on the judiciary. That’s why we are asking the Supreme Court, can you find the way to expedite, can you redirect the handling judge to make certain that this case moves at the faster pace rather than the pace where it is right now and to ensure… And to make sure that while the pace of this case can go faster, we can ensure also the safety of those witnesses,” ani Lacierda.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply