Malakanyang sa publiko: Magtipid sa paggamit ng kuryente

HINIKAYAT ng Malakanyang ang publiko na magtipid sa paggamit o sa kinukonsumong kuryente.

Ayon kay Presidential Communications and Operations Office head Secretary Herminio Coloma, Jr., ang nararanasang rotating brownouts sa Luzon ay bunsod ng binawasang base-load capacity ng power generating plants.

Nauna rito, nagpunta si Coloma sa Baguio City upang makipagpulong sa information officers  ng Philippine Information Agency sa Northern at Central Luzon cluster kabilang na ang Cordillera Administrative Region.

Sinabi ni Caloma na sa taong 2015, ay tataas ang level ng demand ng suplay ng kuryente kung saan mangangailangan na ng paggamit ng bagong power generating capacities.

Kailangan din aniyang itatak sa isipan ng mga consumer ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente.

“We need to use energy wisely. We need to be thrifty (like Ilocanos) even in the use of energy,” ang pahayag ni Sec. Coloma.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply