M’cañang tumangging isapubliko nilalaman ng pakikipagpulong sa Obispo, magsasaka

LANTARANG tumanggi ang Malakanyang na isapubliko ang kabuuan ng pulong sa pagitan ng mga opisyal ng Aquino administration at ng mga magsasaka at obispong nagsusulong sa mabilis na pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARP).

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, kailangan munang maipaabot kay Pangulong Aquino ang napag-usapan sa pulong bago pa ilahad sa publiko ang detalye nito.

Sinabi ni Usec. Valte na nilikom na nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Agrarian Reform Sec. Virgilio delos Reyes, Budget Sec. Florencio Abad, Social Welfare Sec. Dinky Soliman at Agriculture Sec. Proceso Alcala ang mga opinyon at suhestyon ng mga magsasaka upang maipaliwanag ito ng husto sa pagbabalik ng Chief Executive mula sa working visit sa UK at US.

Kamakalawa ay idinaos ang diyalogo sa Heroes Hall ng Malakanyang kung saan humarap naman ang mga kinatawan ng mga magsasaka at ng mga obispo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply