Unemployment rate bumaba sa 6.9%– Malacañang

IPINAGMALAKI ng Malakanyang na bumaba ng 6.9 porsiyento ang unemployment rate sa bansa.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na mula 7.2 porsiyento ay pumalo na ngayon sa 6.2 porsiyento ang unemployment rate sa Pilipinas.

Taliwas naman ito sa report ng National Statistics Office (NSO) kung saan sinasabing tumaas ang underemployment ngayon.

Tinuran ng opisyal na wala namang dapat na ipangamba ang publiko dahil agad namang tinutugunan ng pamahalaan ang problemang ito.

Sa katunayan, aniya, ay nakatutok ang gobyerno sa training skills at pagbibigay payo sa mga college freshmen kung anong kurso ang dapat nilang kunin upang makakuha ng trabaho.

“Doon sa underemployment, apart from unemployment that’s something we are looking at…. Apart from continuing to offer training facilities for our workers who wish to upgrade their training skills or those who wish to acquire (skills), tinitingnan natin. Pinag-aaralan ng DOLE ang job mismatch para saan pwede malagay ang proper set of skills,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi niya na ito ay pinagsanib na puwersa ng DOLE at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang maiwasan aniya ang tinatawag na job mismatches, kung saan ang isang manggagawa ay hindi angkop sa trabahong kanyang napasukan.

Kaugnay nito, inatasan, aniya, ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga ahensiyang ito na magtulungan at ibahagi ang kanilang data para maiwasan nga ang sinasabing job mismatch.

Sa report ng NSO, ang jobless rate ay mataas sa Metro Manila matapos pumalo ito sa  10.4 percent at lumala naman ang underemployment sa Bicol dahil nakakopo ito ng 34.7 percent.

“underemployed persons or those who work less than 40 hours a week and are seeking another work or longer hours of work, rose from 7.13 million to 7.31 million. Out of the estimated 62.8 million population 15 years old and over in April 2012, 40.6 million were in the labor force, compared to the estimated 39.7 million in April 2011. The labor force malakanyangparticipation rate (LPFR) in April 2012 was 64.7 percent, while it was 64.2 percent in April 2011,” ayon sa report ng NSO.

Samantala, tinatayang 37.8 milyon naman ang bilang ng mga taong nagkaroon ng hanapbuhay noong Abril 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply