M’cañang: Pacman suportado pa rin ng sambayanang Filipino

HINDI pa rin natitinag ang suporta ng sambayanang Filipino sa Pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao.

Ito ang tiniyak ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte kahit nabigo si Pacman na depensahan ang WBO Welterweight belt laban kay Timothy Bradley.

“Muling ipinamalas ni Manny ang tatag at lakas ng Pinoy sa buong mundo na anumang dagok, hirap at sakit ang danasin natin, hindi tayo magdadalawang-isip na ituloy ang laban para sa karangalan ng bayan,” ayon kay Usec. Valte.

Sa anuman, aniyang, larangan ay may nagwawagi at may nagagapi.

Ngunit gaya, aniya, ilang ulit na pinatunayan ng lahing Pilipino na ang bawat pagkadapa at pagkalugmok ay pagkakataon upang ipamalas ang kakayahan ng bawat isa na taas-noong bumangon.

“Basta’t patuloy tayong nagkakapit-bisig, tiyak tayong titindig tungo sa tagumpay, kung saan lahat ng Pilipino ay panalo,” diing pahayag nito.

Samantala, tinawagan naman ng pansin ng Malakanyang ang publiko na sama-samang ipagdasal ang agarang panunumbalik ng sigla at lakas ni Pacquiao.

At ang pangako ng gobyernong Aquino kay Pacman ay sa susunod pa nitong mga laban at pagpupursigi ay makakaasa si Pacman na lagi nitong  kaisa at kasama ang sambayanang filipino.

“Si Manny pa rin ang nag-iisa at ipinagmamalaking Pambansang Kamao ng sambayanang Pilipino,” ani Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply