Merger ng mga bus company ipinanukala ng MMDA

UPANG higit na epektibong maserbisyuhan ang mga pasahero, ipinanukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “merger” o pagsasanib ng mga bus company na higit umanong magpapataas sa kita ng mga ito at makakatulong sa solusyon sa maayos na daloy ng trapiko.

Ang panukala ay batay sa obserbasyon ng MMDA sa ginawang “merger” ng mga bus company sa mga bansa gaya ng Colombia at Singapore at maging mga airline company sa Estados Unidos na lumikha ng mas maayos na sistema.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ang pinakadahilan ng buhol-buhol na trapiko sa Metro Manila ay ang kapalpakan sa operasyon ng mga bus company.

Dahil dito, pagbaba ng bilang ng pasahero dahil sa bigat ng kompetisyon na nagreresulta naman sa matagal na paghinto sa mga bus stops, pag-aagawan ng mga drayber sa pasahero, pagkakarera na nagreresulta ng mga aksidente, polusyon at paglipana ng mga kolorum at “out-of-line” na operasyon.

Sinabi ni Tolentino, na may awtoridad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na manguna at hikayatin ang mga bus company na magsanib at bigyan ng insentibo ang mga ito tulad ng ekslusibong mga Certificate of Public Convenience o mga permits.

Nananawagan ang MMDA sa LTFRB na maglabas ng mga panuntunan sa mga merger base sa prangkisa ng mga bus company, mga kita, rekord ng mga paglabag sa batas trapiko, at dami ng mga pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply