Meryenda para sa enrollment at SALN ng taga-DEU

BIBIGYANG-DAAN muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na text messages at mga nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita o kaisipan.

HELLO Lily’s Files,  may reklamo lang po ako. Noong Monday, June 4 ay nagpaenroll po ako ng aking anak sa Andres Bonifacio Elementary School sa Tayuman, Manila.

Ayaw po itong tanggapin ni M’am Guevarra kaya kinulit ko siya nang kinulit.

Siguro po ay nakulitan na siya sa akin kaya binulungan niya ako at sinabihan na tatanggapin lang daw niya ang anak ko kung bibigyan ko siya ng meryenda.

Ang kapal talaga ng mukha ng teacher na yun.

Kung puwede po ay huwag n’yo na lang ilagay ang cp# ko baka pag-initan ang anak ko.

HI! Good pm po. Gusto ko lang pong magtanong kung paano at saan ako puwedeng humingi ng tulong about po sa ‘di pa pagbibigay ng backpay ko at sa mga kompanyang ‘di  tinatrato nang maayos ang kanilang mga empleyado.

Sana po ay matulungan nyo ako, nakita ko po ang cp# n’yo sa internet kaya naglakas-loob akong mag-text sa inyo.

PUWEDE po bang mapaimbestigahan ang SALN ng mga taga-DEU ng Pasay, gaya ni Po3 Jay Martinez, kung naideklara niya ang bagong bili na Starex na may plakang BEB-334.

Wala namang negosyo pero bakit ang daming gamit.

HI! Good eve po, ask ko lang kung ano ang dapat gawin sa dati kong employer, dahil n’ung nakuha ko ang last pay ko ay kulang dahil kinaltasan daw nila ako roon sa nag-overtime sa akin.

Sa tingin nyo po ba ay puwede ko silang ireklamo sa DOLE? Maraming salamat po. Ai ng Manila.

GOOD morning po, M’am lubos po kaming nagpapasalamat at hindi n’yo po kami nakalimutan.

Wala pa rin po kaming natatanggap na 13th month pay dahil wala raw pong karapatan ang mga nasa trucking department at pakyawan sa 13th month pay.

Mayroon na naman po kaming isang mabigat na problema sa pasahod nila at yung tax naming na hindi naman pala nila hinuhulog at sana po ay maibalik na nila sa amin yung refund na kinaltas nila.

Sana po ay matulungan nyo po kami at puwede po ba kayo maka-usap ng personal kasama ko po yung mga katrabaho ko ngayon, maraming salamat po.

Para sa inyong reklamo, suggestions at kumento, mag-text lang po sa 0915-5683000, 0906-2653394 at 0908-7230036  o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com .

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply