“Metro-wide plastic ban” ipatutupad ng MMDA

PINAG-AARALAN ng pamunuan ng Matropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad na ang “metro wide plastic ban” dahil dalawa lamang sa siyam na lungsod sa Metro Manila ang hindi pa nakakapagpatupad nito.

Ang dalawang nasabing lungsod ay ang Maynila at Pasig na kung saan madalas bumaha dahil sa mga plastic at styrofoam na nakabara sa mga estero.

Batay sa ulat ng MMDA, mula sa 700 toneladang nakukuhang basura sa buong Maynila kada buwan ay 16% dito ay plastic at styrofoam na bumabara sa kanal at estero.

Ayon kay MMDA Flag Control Division Director Baltazar Melcar, ang pinakamaraming basura na nahahakot kada buwan ay nanggagaling sa mga lungsod na hindi pa nagpapatupad ng plastic ban.

Samantala, inaasahan ng MMDA na kapag naging metro wide na ang plastic ban hindi lamang mababawasan ang kalat sa kalsada kundi unti-unti na rin mawawala ang problema sa baha.

Kamakailan dalawang lungsod ang may pinakamaraming basurang nahakot ng MMDA sa kanilang pumping station matapos ang sunud sunod na pag-ulan sa Metro Manila.

Ang lungsod ng Maynila at Pasay ang maraming nahakot na basura lalo na sa mga lugar na may maraming nakatirang “informal settlers” o mga eskuwater.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply