Metro-wide plastic ban isinusulong ng MMDA

MAKARAANG ipatupad sa iba’t ibang lugar ang plastic ban, lumalakas ang panawagan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa metro-wide ban sa paggamit ng mga plastik at styrofoam products para maiwasan ang mga pagbaha sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa MMDA, lumalabas sa kanilang pag-aaral na mahigit 700 tonelada ang basura ng Metro Manila kada buwan at 16% nito ang bumabara sa mga kanal at daluyan ng tubig.

Kabilang sa mga una nang nagpatupad ng plastic ban sa Metro Manila ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, Mandaluyong, Pasig, Marikina at Makati City.

Tanging ang lungsod ng Pasay at Manila ang hindi nagpapatupad ng plastic ban na unang iniulat na isa sa pinakamnaraming basurang nakokolekta.

Sinabi ni MMDA Flood Control Division Director Engr. Baltazar Melgar, na pinakamaraming nahakot na basura sa dalawang lungsod lalo na sa mga lugar na maraming informal settlers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply