Mga abusadong driver bilang na ang araw

INIHAYAG ng Department of Transportation and Communications na nakatakda silang maglabas ng bill of rights upang maproteksyunan ang mga karapatan ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan laban sa mga abusadong tsuper.

Ayon kay Secretary Mar Roxas, kabilang sa mga nais nang tapusin ng kanyang tanggapan ang regulasyon sa tamang kasuotan ng mga tsuper, tuluyang mawakasan ang pagtangging magsakay at pamimili ng mga pasahero partikular na sa mga taxi, pambabastos sa mga pasahero, hindi pag-iisyu ng tiket at hindi pagbibigay ng diskuwento sa mga senior citizen at mga estudyante.

Gayunman, bibigyan rin ng proteksyon ng babalangkasing bill of rights ang karapatan ng mga operator at tsuper laban naman sa mga abusado ring pasahero.

Inatasan na rin ng kalihim ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na mag-isyu na ng mga bagong “land transport service route franchises, unti-unting pag-convert sa mga behikulo sa mga mas “eco-friendly” na mga makina at palakihin ang partisipasyon sa nakaplanong “Integrated Transport System.”

Magsasagawa ng “open bidding” ang LTFRB para sa mga potensyal na operator para sa mga bagong prangkisa upang maiwasan ang korapsyon bunsod ng palakasan ng nabibigyan nito.

Maaari naman umanong unahin ang mga pampasaherong bus sa konbersyon ng mga ito sa mas malilinis na makina habang sa ITS, aamyendahan ang mga ruta ng provincial buses kung saan lilimitahan ang mga ito sa mga itatayong “central bus terminal” sa bukana ng Metro Manila upang hindi makadagdag sa trapiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply