Mga ahensya pinakikilos sa pag-ulan sa Mindanao

KINALAMPAG na ni Pangulong Benigno Aquino III ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa patuloy na pag-ulan sa Mindanao na nagdulot na ng mga pagbaha.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinakikilos na ng Chief Executive ang mga concerned officials para maagapan ang pangangailangan ng mga residente.

Sinabi ni Valte na patuloy ang kanilang monitoring sa mga binabahang lugar at mga aksyong ginagawa ng gobyerno.

Isa sa nataasan ni Pangulong Aquino ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para tutukan ang mga posibleng pagguho ng lupa.

Sinabi pa rin niya na all-set na rin ang Department of Social Welfare and Development at mga LGUs para mamigay ng mga relief goods na kakailanganin para sa mga ililikas na residente.

Sa ulat, umaabot na sa libu-libong katao ang naapektuhan dahil sa mga pagbaha bunsod ng masamang panahon lalo na sa limang mga lalawigan sa Mindanao.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, sa Glan, Sarangani province pa lamang ay nasa higit 500 katao na ang apektado dahil sa low pressure area (LPA).

Patuloy aniya din ang ginagawang assessment at tulong ngayon ng NDRRMC at lokal na pamahalaan lalo na sa ilang mga lugar sa lalawigan ng North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat at Sarangani province.

Samantala, tiniyak rin ni Ramos na patuloy pa ang ginagawang search and rescue operation ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa El Nido, Palawan kung saan lumubog ang isang passenger/cargo vessel na ikinamatay ng lima katao.

Muling paalala ng opisyal sa mga mangingisda at mga operator ng mga sasakyang pandagat na iwasang munang maglayag ngayong mga panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply