Mga bagets sa ‘Aryana’ kinagigiliwan, sinusubaybayan gabi-gabi

SA MGA young generation at kahit sa mga matured viewers, isa sa kinagigiliwan nilang panoorin bago mag-TV Patrol ay ang apat na bagets na napapanood sa top-rating fantaserye na Aryana na kinabibilangan ng lead star at title roler bilang si Aryana na si Ella Cruz at leading-man na si Paul Salas na gumaganap naman sa role ni Marlon.

Kasama rin ang dalawa pang aspiring bagets na sina Michelle Vito bilang si Megan at additional sa cast na hunk ang dating at bagong pantasya ng mga bading na si Dom Roque as Hubert.

Sa pagpapatuloy ng Aryana ay very excited na si Ella dahil magkakaroon na siya ng buntot rito kung saan kaliwa’t-kanang pagsubok ang mararanasan niya mula sa mga taga-lupa at kapuwa sirena.

Abangan din kung magagawa ba ni Marlon na maagaw ang atensiyon ng bestfriend niya na si Aryana mula sa campus heartthrob na si Hubert.

At kapag nagkataon na matuklasan ni Megan na ang lalaking (Marlon) gusto niya ay nahuhumaling kay Aryana. Lalo kayang mag-init ang dugo nito sa half-sister na si Aryana at lalo pang apihin ang kadugo na matagal ng kinaiingitan?

Ang mga ganitong istorya kung saan nakare-relate ang manonood ay talagang pumapatok kaya naman hindi na kataka-taka kung bakit parating mataas ang ratings na nakukuha ng Aryana mapa-Mega Manila man o national ratings mula sa Kantar Media. Kasama rin sa casts ng nasabing fantaserye sina Pokwang, Tonton Guttierez, Desiree del Valle, Laurice Guillen, Techie Agbayani, Giselle Toengi, Rustica Carpio, Lotlot de Leon, Bianca Manalo, Chokoleit etc.

Mula ito sa mahusay na direksiyon nina Erick Salud at Lino Cayetano. Mapanonood io gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN bago mag-TV Patrol.

***
Lifted na ang warrant of arrest!

NANG mag-issue ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court para kay Tita Annabelle Rama para sa libel case na isinampa ni Nadia Montenegro laban dito, naglulundag raw sa tuwa ang huli at ang bestfriend nitong beteranang aktres na si Ms. Amalia Fuentes. Kulang na nga lang daw ay magpatawag ng victory party ang tabachingching na semi-retired actress (Nadia) para ipagdiwang ang kanyang panalo. Panalo ka na nga ba Teh?

Feeling kasi yata ni Nadia ay mas powerful na siya kay Tita Annabelle kaya puwede niyang ipakulong na lang nang basta-basta ang sikat at controversial na talent manager. May amnesia na yata ang Tabatsoy na ito at hindi niya na alam kung gaano ka-rich ang binangga niya. Hindi naman sa itinataas namin ang bangko ni Bisaya pero ‘yan ang totoo! Mapera siya at well connected.

Anyway, heto na ang latest na tiyak ikadidismaya nang husto ng mag-amigang Nadia at Ms. Amalia. Pagbaba ni Tita Annabelle ng eroplano galing Amerika ay hindi na siya naaresto dahil na-lift na ang kanyang warrant of arrest. Na ang totoong rason kung bakit siya naisyuhan ng warrant ng judge nang RTC sa Kyusi ay hindi dahil sa may merit ang kasong libelo na sinampa sa kanya ni Nadia kundi dahil hindi kasi siya nakasipot sa itinakdang arraignment nila noong June 11.

At nais linawin ni Tita Annabelle na hindi pa nagkakaroon ng hearing ang kaso sa kanya ni Nadia dahil hindi pa nga ito umakyat sa korte. So mali ang mga pinalalabas ng maybahay ni Boy Assistio na kaya na-warrant of arrest si Bisaya ay dahil sa na-prove niya na nagsasabi siya nang totoo tungkol sa mga paratang niya kay Tita Annabelle.

Ilusyunada gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply