Mga bagong Shariah bar passer manunumpa sa SC

MANUNUMPA sa ika-19 ng Hunyo ang 58 bagong nakapasa sa Shariah Bar Examination.

Ayon sa Korte Suprema, ang 58 Shariah bar passer ay kumakatawan sa 29.72 percent sa kabuuang 195 na kumuha ng pagsusulit noong July 3, at July 10, 2012.

Gaganapin ang oath taking sa New Session Hall ng Korte Suprema sa Padre Faura, Maynila.

Si Supreme Court Justice Roberto Abad ang nakatakdang magbigay ng mensahe sa mga bagong Shariah lawyer.

Samantala, nanguna sa nasabing pagsusulit sina 1. Esnihairam Disangcopan na nakapagtala ng 90.85 %; 2. Mohamad Rayyan M. Domado (89.65%), 3. Sherrihan D. Damiano (89.00%), 4. Norgianah A. Abinal (86.55%) at 5. Sharmila R. Bagul (85.975%),

Ang 2011 Committee of Shariah Bar examiners ay pinamunuan ni Judge Bensaudi Arabani.

Ang Shariah courts ay mga hukuman na may orihinal na hurisdiksyon sa mga kaso na may kinalaman sa paglabag sa Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply