Mga bakla nagsanib pwersa sa Pasay vs HIV

NAGSANIB puwersa ang iba’t ibang gay organizations sa Pasay City para ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng kampanya hinggil sa nakamamatay na Human immunodeficiency virus infection/Acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS).

Ayon kay Tony Rose Samson, ginawa nila ang pagssasanib bilang pagkilala at pagpapatuloy sa programang naiwan ni Justo C. Justo, dating Pasay City councilor at showbiz writer, na yumao na.Itinayo ni Justo ang Golden Gay para maprotektahan ang karapatan at kagalingan ng mga bakla.

Ayon kay  Samson, pangulo ng Ikaltong Lahi, halos 3,000 na ang kanilang miyembro na masigasig na nagsasagawa ng seminars at information campaign para kontrahin ang HIV.

Isa si Sarah Jane na taga-Pasay sa pinakaunang biktima ng AIDS sa Pilipinas na lumantad sa publiko. Bago siningil ng AIDS ang buhay ni Sarah Jane, naging aktibo siyang tagapagtaguyod ng AIDS awareness sa bansa.

Dahil sa kampanya kontra sa HIV, maliban kay Sarah Jane wala ng naiuulat na nakaroon ng nakamamatay na sakit sa lungsod ng Pasay.

Ito’y dahil sa masidhing layunin ng Ikatlong Lahi para kontrahin ang HIV.

Ayon pa kay Tony Rose, lalong lalakas ang kanilang kampanya kontra HIV/AIDS dahil sa pakiki-isa ng Golden Gay sa lungsod ng Pasay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply