Mga bata sa evacuation center sa CDO nagkasakit sa maruming tubig

INIUUGNAY sa maruming tubig ang posibleng dahilan sa pagkakasakit ng mga bata sa evacuation center sa Lomboy, Indahag Cagayan de Oro City.

Batay sa pinakahuling ulat umabot sa mahigit 15 mga bata ang nagkasakit sa naturang evacuation center na ikinamatay ng isang limang taong gulang na bata dahil sa pagsusuka.

Ayon sa mga evacuees, itinuturong dahilan nila ang maruming inuming tubig dahil napansin nilang nitong sunod-sunod na pag-ulan, hindi na umano ligtas inumin ang tubig kahit pa ito’y idaan sa purifier.

Bukod dito, dahil sa sabay-sabay silang nagpunta sa ospital, hindi na umano maayos ang pakikitungo sa kanila ng nag-iisang doktor.

Dahil dito, pinasusuri na ng City Health Office ang evacuation center at magbibigay na rin ng mga mineral water para mainom ng mga evacuee.

Pinaiimbestigahan na rin ng mga lokal na opisyal ng lungsod ang hindi maayos na pakikitungo ng doktor sa mga evacuees

Hinihiling ng mga evacuee na magtalaga ng mga doktor sa ospital para masuri ang kalagayan ng mga nagkakasakit na bata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply