Mga botante bumuhos para sa Yes to Cityhood ng Bacoor

CAVITE – Bumuhos ang mga botante sa bayan ng Bacoor upang ipakita ang suporta sa Yes to Cityhood ng bayang ito kaninang umaga.

Naglaan ng oras ang mamamayan upang masiguro nilang makaboboto sila at upang makamit na ang katuparan ng kanilang pinapangarap ang maging siyudad ang bayan ng Bacoor.

Pinangunahan nina Mayor Strike Revilla, First lady Chaye C. Revilla, Congresswoman Lani M. Revilla, Board Member Jolo Revilla at Senator Revilla ang pagboto kasama ang mamamayan dito.

Nabatid na sunod-sunod na caravan at talakayan hinggil sa cityhood ng Bacoor ang isinagawa ng magkakapatid na Revilla upang madama ang pulso ng kanilang mga kababayan at lahat naman ay nagpakita ng mainit na suporta at anila’y wala nang dahilan upang mahadlangan pa ang cityhood na inaasam.

Kasunod nito, siniguro ng pamunuan ng mga Revilla na tuloy-tuloy na ang konstruksyon ng kanilang ospital, bagong munisipyo, pagpapatayo ng barangay hall, day care center, health centers na mga pangunahing maglilingkod sa mamamayan dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply