Mga colorum na school bus, hinuli ng LTO

SA PAGSISIMULA ng klase ngayong araw, pinaghuhuli ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga colorum na school bus na naghahatid ng mga estudyante sa iba’t ibang paaralan. Ito ay bahagi ng Balik-Eskwela program ng ahensya.

Sa España Boulevard, may 10 school bus ang hinuli dahil sa kulay green na plaka na dapat ay kulay dilaw.

Ayon kay LTO NCR-Regional Director Teofilo Guadis, suspendido ng tatlong buwan ang lisensya ng driver at pagmumultahin ng P3,000 ang operator.

Hindi naman  ini-impound ang mga school bus at inihatid na lamang ang mga estudyante pero pagkatapos nito ay hindi na sila papayagan pang maghatid.

Bukod sa mga colorum na school bus, hinuhuli rin ang mga bus na overloaded sa pasahero at mga jeep na may nakasabit na pasahero.

Ayon sa LTO kapag nahuli ang mga overloaded na bus ay pagmumultahin ng halagang P1,600 ang mga operator at susupendihin ng tatlong buwan ang lisensya ng driver.

Sa ngayon ay naka-deploy ang tauhan ng LTO sa U-belt Area, Quezon City- Commonwealth Area at Katipunan Area.

Alalamin din ng LTO kung sinusunod ng mga driver ang umiiral panuntunan sa seat-belt sa mga pampublikong sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply