Mga dakilang ama ng Marikina

MAPALAD ang Marikina at nagkaroon ng dalawang mapagmahal na ama ng bayan sa katauhan nina dating Mayor Bayani F. Fernando at kasalukuyang Mayor Del R. De Guzman.

Bagamat magka-tandem ng siyam na taon at magkapartido ng 18 taon, magkaiba ang pamamaraan nila bilang ama ng bayan. Si BF, disciplinarian. Si, Del mapagkalinga. Si BF, developmental approach at infrastructure ang priority. Si Del, social ang approach at katayuan ng tao ang priority.

Sa mga slogan na lang kita mo na ang kaibahan: BF gets it done! DEL delivers!

Kay BF ang output or “end” ang importante. Kay Del, ang pamamaraan or “means” naman.

Kaya napakapalad ng Marikina dahil binibiyayaan kami ng Diyos ng mga mayor depende sa pangangailangan ng Marikina sa panahon na yon.

Mula sa isang backward community, naisaayos ni BF at napaganda pa niya ang Marikina hanggang sa maging model city at showcase pa ito na hinahangaan ng buong Pilipinas.

Sinundan pa ito ng siyam na taon ni Mayor Marides Fernando kung saan naging mas corporate ang approach sa governance.

Ngayon naman, since maganda na ang Marikina at mas na-professionalize ang pamamalakad, naniniwala si Mayor Del na napapanahon para ang tao naman ang bigyan ng importansya ng pamahalaan.

Pangarap ni mayor na paunlarin ang kabuhayan ng mga Marikenyo na sa isang pamilya, higit isa ang may trabaho at kumikita.

So, asahan ninyo na sa siyam na taong panunungkulan ni Mayor Del ay nakaangkla sa mga tao ang kanyang mga programa.

Sa kanyang 7K program nga, binigyan nya ng prayoridad ang edukasyon at livelihood.

Umasa kayo na sa 2019 naman, bibiyayaan ulit tayo ng Diyos ng ama ng bayan na taglay ang galing na kakailanganin ng Marikina sa mga oras na iyon.

* * * * * * *

Dumako naman tayo sa isa pang father … si Rev. Fr. Ross Soriano.

Naibahagi nya kahapon sa misa na malaking bagay pala ang presensya ng tatay sa buhay ng kanyang mga anak.

Ito ay ayon sa isang study na ginawa ng mga sociologist para alamin ang common denominator ng mga taong nagsimula at nakiisa sa mga violent riot sa London at Paris. Karamihan pala sa kanila, lumaki na wala ang ama.

Pagnilayan po natin ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply