Mga estudyante i-orient sa disaster preparedness- solon

HINIKAYAT ni Rep. Mitos Magsaysay ang mga paaralan sa bansa na iprayoridad ang orientation sa disaster preparedness upang masiguro na alam ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin tuwing may sakuna gaya nglindol at malakas na pag-ulan.

Ito ang naging pahayag ng mambabatas pagkatapos ng magnitude 6 na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Zambales at hagupitin ng malakas na ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila nitong weekend.

“Iba na ang panahon ngayon kaya’t kailangan nating gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga mag aaral, at bigyan sila ng kaalaman kung paano gagawin iyon lalo na sa pagkakataong ito na bagong bukas pa lang ang mga paaralan,” aniya.

Dagdag pa ng mambabatas, sa lalong madaling panahon ay dapat inspeksyunin na ang mga school building upang matiyak na hindi magigiba ang mga istruktura sa oras na magka-lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply