Mga Kano tutok kay Pacquiao

WALANG ibang tinutukan ngayon ang mga Amerikano, partikular ang US media kundi ang nakatakdang laban ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa Linggo, Hunyo 10 sa MGM Grand Graden Arena, Las Vegas, Nevada.

Kanina ay banner si Pacquiao sa sports section ng USA Today, pinakakilalang pahayagan sa Amerika kung saan tinalakay ang pagbabago ng buhay ng pambansang kamao.

Mababasa sa balita ang kuwento ni Pacquiao mula sa pagiging babaero, palainom, mahilig sa gimik at sugal hanggang sa mauwi ang hilig sa pagbabasa ng Bibliya at pagiging relihiyoso.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply