Mga mambabatas na-shock sa split decision

SHOCK pa rin hanggang ngayon ang mga kongresista sa “home town” decision sa bakbakang Pacquiao-Bradley kung saan surpresang nasungkit ng |Amerikano ang kampeonato.

Sa isang text message, sinabi ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, isa sa mga kongresistang palagiang nanonood ng laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa Estados Unidos na “ I join Bradley in being surprise with the win.”

Sa halip na payuhan si Pacquiao ng magkaroon ng rematch kay Bradley o kaya ay magretiro, ipinayo ni Benitez kay Pacman na “fight Mayweather.”

Ang kababata naman ni Pacquiao na si YACAP Partylist Rep. Carol Jane-Lopez ay nagsabing “Rip off! They made Bradley win so there’s still a next fight. Im still in shock.”

Bagama’t hindi nakasama ng mga empleado ng Kamara si House Speaker Feliciano Belmonte sa gym ng Batasan Complex ay nagtext pa rin ito ng “malungkot ako.”

Si CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna ay sinabi niyang “nakaka-shock, frustrating at nakakalungkot ang split decision laban sa ating pambansang kamao. Ganunman kami ay patuloy na sumusuporta sa kanya. We are hoping that he will have a fight soon to redeem himself. Very sad. I hope Manny will be able to recover from this.”

“Lutong makaw!” Ito naman ang naging kagyat na reaksyon ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone.

“It is the biggest highway robbery not only against Pacquiao but also against the Filipino people. Clearly Manny connected some solid punches against Bradley,” giit pa ni Evardone.

Ayon naman kay North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan, “It was a good fight. Clearly a hometown decision.”

Kung si Sacdalan aniya ang tatanungin, papayuhan niya si Pacquiao na mag-rematch at kapag nakabawi ito at nakuha ang korona ay saka na siya magretiro.

Hinikayat naman ni Ang Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang publiko na maging mahinahon at tanggapin ang desisyon kagaya ng pagtanggap ditto ni Pacquiao.

“Even if I don’t agree with the decision of the judges, I tru8ly admire how Manny handled the decision of the judges even if he didn’t agree with it as well. That’s the true sign of sportsmanship. If Manny has accepted it, then we all should be like Manny and accept the decision gracefully. Rematch,” ayon kay Herrera-Dy.

Para naman kay TUCP Partylist Rep. Democrito Mendoza ay sinabi niyang kahit natalo, si Pacquiao pa rin ang simbolo ng pagiging masipag at masikap ng mga Pilipino.

“Cong. Pacquiao is still a symbol that a Filipino workingman can be as good as anyone out there. Still an inspiration.”

Sinabi naman ni AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones na  “Manny is still the best world’s best boxer of our time.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply