Mga nahuli ipaskil sa billboard para ‘di na uulit

NAG-meeting ang Peace and Order Council ng Marikina kahapon at nagpaalam ako sa aming Executive Judge na si Hon. Lorna Francisca Chua Cheng kung pwede naming ipaskil sa billboards ang litrato at case details ng mga nahuli ng Marikina PNP na riding-in-tandem, at mga kasong robbery, theft, rape, atbp.

Para sa akin, ito ay paraan para ipaalam sa mga Marikenyo ang hitsura ng mga salarin para maiwasan nilang maging posibleng biktima ng krimen pag namukhaan nila ang mga ito. Deterrent kumbaga.

Pangalawa, paraan din ito para makadulog sa pulisya ang mga iba pang biktima nito. O para makapagbigay ng tip sa pulis ang mga nakakilala sa kanila.

Pangatlo, maganda na makita ng mga Marikenyo na ang kanilang kapulisan ay may accomplishments pagdating sa laban sa krimen. Nakakampante rin sa residente pag nakitang pumapalag din ang kanilang pulis.

Ayon kay Judge Chua Cheng,  pwede naman daw pero pag-isipan lang daw maigi ang maaaring maging masamang epekto nito sa mga pamilya ng mga nahuling ito. Siyempre, andyan yung tutuksuhin ang mga anak nito ng mga kaeskuwela nila o kalaro, atbp.

Sabi naman ng aming City Prosecutor, Atty. Jason Amante, it’s about time na maging pro-active kami against crime. Basta lang daw mag-stick to the facts at huwag nang dagdagan ang mga nakasulat na facts of the case. Paliwanag naman ni Police Chief Inspector Ramon Santos na marami sa mga nahuhuli nila ay pabalikbalik na. Mga recidivist. Sinabi ni Atty. Rodaflor Larracas, head ng Public Attorney’s Office (PAO) ng Marikina, na huwag lang dapat ma-violate ang human rights ng mga taong concerned.

Ang sa akin lang naman, kung yung tukso sa mga kaanak lang ang inaalala … baka nga maging deterrent pa ito dahil sa kahihiyan na maaari nitong idulot sa kanilang pamilya. Either, tigilan na nila o lumipat na sila ng ibang base of operations at umalis na sa Marikina. Anong sey niyo?

Hindi lang sa billboards namin ito ipapaskel. Pati sa aming diyaryo, websites, Facebook pages, atbp. Balak din namin na ilagay ito sa parang Rouges Gallery para maaaring tignan ng mga Marikenyo kahit kailan.

Lalo na yung mga bagong biktima ng snatching, holdap, atbp. Pwede nila itong silipin para makita kung nasa gallery ang nangholdap sa kanila.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply