Mga nominado sa pagka-CJ ‘di isasapubliko ng JBC

HINDI isasapubliko ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pangalan ng mga nominado para sa pagka-Chief justice hangga’t hindi tinatanggap ng indibiduwal ang pagkakanomina sa kanya.

Ito ang naging desisyun ng JBC sa naganap na pagpupulong ngayon kaugnay sa patuloy na pagtangap ng aplikasyon sa pagka-Chief justice.

Ayon kay Senator Francis Escudero, ex-officio member ng JBC kailangan maipabatid sa kanila kung tinatangap ng nominado ang pag-eendorso sa kanila para mapagpilian bilang punong mahistrado.

“Pano kung biro o loko lang yung nomination? Kaya hindi namin nilabas yung names unless accepted,” ani Escudero.

Sa kasalukuyan, mayroong 65 nominees para sa Chief Justice post ngunit 13 nominado pa lamang ang tumatangap sa nominasyon habang 11 nominees ang tumanggi sa kanilang nominasyon.

Sinabi naman ni Supree Court Acting Spokesman Gleo Guerra na ang mga nominado ay pa hindi kinokonsidera na opisyal na kandidato batay sa JBC rules.

“Those recommendees are not considered official candidates per JBC rules. In fact, there are recomendees who didn’t know that they were being recommended so the JBC thought it best to keep the names of nominees with no conformity or who declined the conformity off the list,” paglilinaw ni Guerra.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply