Mga Pinoy na may sakit sa bato sumisirit

SUMISIRIT na ang bilang ng mga Pilipino na nagdaranas ng sakit sa kidney o bato sa bansa.

Ayon kay Dr. Antonio R. Paraiso, manager ng National Kidney Institute – Renal Disease Control Program, sa kasalukuyan wala silang datos kung ilan ang nagkakasakit sa bato, subalit patuloy na dumarami ang bilang ng mga tinatamaan nito.

Nabatid na karamihan sa may sakit sa bato ay hindi nagagawang magpagamot dahil sa kahirapan o napakataas na singilin sa ospital.

Kasabay nito,  gumawa na sila ng isang programa para mabawasan ang lumalaking bilang ng mga nagkakasakit sa kidney.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng malawakang impormasyon hinggil sa pag-iwas sa sakit sa bato sa mga barangay level.

Tulad ng pag limita sa pagkain ng maalat o asin, pag-inom ng maraming tubig, pagmantina ng normal na timbang at araw-araw na ehersisyo sa loob ng 30-minuto upang mapanatili ang tamang kondisyon ng kidney.

Makikita ng isang indibidwal na tinamaan na siya ng sakit sa bato sa pamamagitan ng ihi na naglalabas ng chlorine.

Ang kidney ay nagsisilbing salaan ng ating katawan sinasala nito ang mga dumi na naiipon sa ating katawan at inilalabas sa pamamagitan ng pag-ihi…ang dahilan sa pagkakaroon ng sakit sa kidney ay ang madalas na pagpiit sa pagihi at sa hindi paginom ng maraming tubig…..ang total ng baso na dapat inumin kada araw ay 8-10 glasses.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply