Mga preso sa Calamba, Laguna, makakaboto na sa 2013 election

MAAARI nang makaboto ang mga bilanggo sa Calamba City Jail sa Laguna.matapos payagan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng may 609 na preso na makapagparehistro matapos maabot ng Calamba City Jail ang requirements na kailangan para payagan silang bumoto.

Dahil dito, itinakda ng Comelec ang voter’s registration ng mga bilanggo sa Calamba City Jail sa Hunyo 29 at 30.

Pinayagan ng Comelec ang mga preso na makaboto sa May 13, 2013 elections batay sa kanilang panuntunan.

Sa ilalim ng Comelec resolution No. 9371, lahat ng bilanggong aabot ng 18-taong gulang sa araw ng halalan sa 2013 ay papayagang makapagparehistro at makaboto.

Maglalagay ang Comelec ng mga satellite registration center sa lahat ng provincial, city, municipal jails at iba pang correctional at rehabilitation centers sa buong bansa upang hindi na sila kailangan pang lumabas.

Sa mismong araw ng halalan, magtatayo ang Comelec ng special polling places na tatauhan ng special board of election inspectors.

Papayagan lamang umanong makaboto sa ibang lugar ang mga bilanggo kung may kautusan ang hukuman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply