Mga senador na lumagda ng waiver dumami pa

NADAGDAGAN pa ang mga senador na lumagda ng waiver para mabuksan ng Ombudsman ang kanilang bank accounts.

Pinakahuli ay si Sen. Antonio Trillanes IV kung saan saklaw ng kanyang waiver ang kanyang foreign currency deposits.

Maliban kay Trillanes, una nang lumagda ng waiver sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Nagpahayag din ng kahandaan si Sen. Allan Peter Cayetano na una nang nanawagan sa mga opisyal sa ilalim ng Aquino administration na lumagda rin ng kahalintulad na waiver.

Naging malawakan ang panawagan na lumagda ng waiver ang mga opisyal ng pamahalaan nang magsumite ng waiver si dating Chief Justice Renato Corona sa kasagsagan ng paglilitis sa kanyang kaso sa impeachment court.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply